Friday, June 18, 2004
Anatomy of the FX 101: Seat Region Series (GS Region) Part 2 of 4
Kadalasan ay pinagwawalang-bahala lang natin ang pagpili ng upuan sa isang sasakyan. Pero 'wag ka pakasisiguro sapagkat ang bawat upuan ay may kaakibat na impormasyon na nagsasabi kung anong klaseng tao ang nakasakay. Ang mga babanggiting posisyon sa baba ay makakatulong upang magkaroon kayo ngmatiwasay at ligtas na biyahe. Ang larawan sa ibaba ng pahinang ito ay naglalayong maging gabay.
GS Region
Ang susunod na region ay ang GS o Golden Seat Region, ito ang upuan sa gitna ng FX. Ito marahil ang paboritong inuupuan ng karamihang pasahero dahil sa tingin siguro nila, ito ang pinakaligtas na lugar kung sakaling bumangga ang sinasakyang fx. Dito kadalasan umuupo ang mga kolehiyala, bouncer, sugar mommies, at mga taong gustong mabahagian ng aircon.
Laging sumasakit ang likod ko kapag nakaupo ako dito dahil sa 'kabute effect'*. Ang effect na ito ay nangyayari kapag napuno na ng pasahero ang GS region. Kapag nangyari ito, napipilitang umangat ang mga mas maliliit ang katawan dahil kundi ay madudurog ang kanilang 'shoulder blades' at iba pang buto sa itaas na bahagi ng katawan. Sa totoo lang, bihira lang ako umupo dito dahil payatot ako kaya hindi na tuloy ako nakakasandal sa buong biyahe.
Sa position din na ito (lalo na sa GS1) umuupo ang mga snatcher, slasher, holdaper, manghihipo, at mga taong trip lang magbukas ng pinto para sa mga bababa (siguro pa-gentleman effect). At dahil madaling sumakay at bumaba sa GS region, lipana ang mga kaso ng pagnanakaw sa region na ito. Kung ako sa inyo, hindi na ako uupo sa region na ito kung wala rin naman akong kasama.
Next: Ang ES Region...
*-Tatalakayin ng detalye sa ibang pagkakataon.
Gumarahe si Ed ng 11:28 pm
Seat Conventions
Upang mas madaling mailarawan ang mga pwesto ng mga upuan sa isang typical na FX, ito ang larawan na ating gagamitin bilang gabay.
Halimbawa ang sinulat ay "Nakita ko s'yang nakaupo sa GS3", ibig sabihin ang pwesto nung tao ay nasa GS region sa pangatlong upuan. :-)
Fig 1.0 Typical FX Seat Configuration
A Word of Warning
Ang mga nakalagay sa blog na ito ay binubuo ng 15% kababawan, 50% pangbabarbero, 30% manipulated facts, 1% katotohanan, at 4% expertong payo. Ito ay mula sa isang tao na ang ngalan ay Ed. Si Ed ay 6 na taon nang
palaboy-laboy sa mga kalye at eskinita ng Maynila, QC, at Caloocan. Ang blog na ito ay ang kanyang paraan upang makatulong sa kapwa (yeah right) at mailabas ang kanyang mga 'frustration', kakornihan, at mga walang saysay na
iniisip habang nababagot sa 2 oras na biyahe mula sa kanyang iskwela at bahay.